TACLOBAN CITY– Natagpuan na ang isang biktima matapos ang dalawang linggo na unang na-ireport na missing, ngunit isa na itong malamig na bangkay ng makita ng mga otoridad sa ilalim ng bangin sa Sitio Ungay, Barangay 5, Balangkayan, Eastern Samar.
Kinilala ang biktima kay Joshua Anthony Guasis Voloso, 35 taong gulang, single, traffic enforcer ng Llorente LGU at residente ng Brgy. 01, Llorente, Eastern Samar.
Ayon kay Eastern Samar Police Provincial Office, Provincial Director, PCOL. Ernesto Macasil, deneklarang missing ang biktima noong Pebrero 14, ng taong kasalukuyan, halos magdadalawang linggo na ito bago matagpuan.
Ayon naman sa kanilang ginawang imbestigasyon, ang biktima ay nakasakay sa kanyang motorsiklo, bago ito mawala.
Dagdag pa ni Macasil, tinitingnan nila ang angulo na ito ay sinalvage at itinapon sa nasabing bangin.
Sa ngayon, isasailalim ito sa autopsiya, para matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.
Binigyan diin rin ni Macasil, na lahat ng angulo ay kinokonsidera nila para magkaroon ng magangdang resulta an makuha ang hustisya.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon nga Eastern Samar Police Provincial Office, sa nasabing insidente.