TACLOBAN CITY – Patuloy na bumababa ang kaso ng dengue sa kabisayaan, dahil sa Dengue Awareness Campaign na pinatutupad nga Depatment of Health Eastern Visayas.
Ayon kay Leonido Olobia, Program Manager DOH 8, mas mababa umano ito kumpara noong nakaraang taon na may 45% lower rate at karamihan dito ay naka recover at may iilan parin naman nanatili pa sa mga hospital.
Sa bagong datos naman Department of Health Eastern Visayas, nakapagtala ng 2,202 kaso ng dengue at 5 naman ang nasawi sa buong probinsya ng region 8 mula January hanggang June 28, 2025
Isa sa mga nakitang dahilan ay ang patuloy umano na kampanya ng DOH upang sugpuin ang mga lamok, sa pamamagitan ng pakikipag tulungan ng mga LGUs.
Bagamat mababa ito, maituturing parin na malaking hamon para sa DOH dahil kung hindi din tutulong ang mga tao hindi rin makakamtan ang zero dengue cases.
Sa 195 na bansa sa buong mundo ang Pilipinas ay Isa sa mga may patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue
Ayon sa pag-aaral at tala ng World Health Organization o WHO kada taon may na re-report na 390 milyon kaso ng dengue at libo-libo ang namamatay
Sa global database ng Open Dengue, mula 1955 hanggang 2023 umabot na sa two million eight hundred twenty-two thousand five hundred forty-nine ang naitalang kaso sa Pilipinas na hanggang ngayong taon ay mga bata ang may mataas na kaso nito
Kaya hinihimok ng Department of Health ang publiko na makipag tulongan sila sa kanilang ahensiya upang wala ng masawing buhay dahil sa kagat ng lamok.