CALBAYOG CITY–Sumadsad ang isang barge sa Brgy. Binaliw Calbayog City Samar dahil sa masamang panahon.
Pinakilala naman ang sasakyang pandagat na ‘Kapayapaan 2’.
Ayon kay Ens. Edel Jade T. Burca Philippine Coast Guard Substation Commander, Coast Guard Substation Calbayog City,, inalegar na galing ito ng Bataan at bumibiyahe papuntang Isabel Leyte, kaso inanod ito ng pagtama ng bagyo.
Dahil diyan, plano nila sanang sumilong muna sa Cataingan Masbate, pero dahil na di na nila kinaya ang alon, sinubukan nilang magpatuloy muli sa Isabel kung saan naputol ang towing line nito at na-anod southeast sa Brgy. Binaliw.
Sinubukan namna ng Captain na habulin ito noong alas 9 ng umaga pero dahilsa lakas ng alon, hindi nalang siya nagpatuloy.
Base naman sa inisyal na assessment, severely damaged naman an ilang parte ng nasabing barge, kasali ang starboard, coaming, at underwater hull starboard side.
Dagdag pa ni Burca na bumiyahe ito noong ika 4 ng Nobyembre pero iimbestigahan pa ito ngayong araw.
Nagkaroon naman sila ng consultative meeting kahapon sama ni Calbayog City Mayor Raymund Uy, Station Commander ng Eastern Samar Lt. Paul Albert Asis, at ang Barangay, kung saan nagkasundo lang muna sila na magbigay ng seguridad sa barge at magsagawa ng salvage operation kung saan matapos ito, ipapailalim nila ang barge sa pre-anchorage sa vicinity waters ng Brgy. Baliw.
Samantala, hinihintay muna nila ang pagdating ng representative ng kumpanya na magtitiyak sa kaligtasan ng personnel at ng barge.










