-- Advertisements --

TACLOBAN CITY -Ikinatuwa ng ilang negosyante, ang pabisita ni DPWH Sec. Vince Dizon, ngayong araw sa Eastern Visayas, para tingnan ang kalagayan ng mga kalsada sa National Maharlika Highways.

Ayon kay Regional Governor Philippine Chamber of Commerce and Industry, Eugene Tan, malaking tulong na ma-iinspeksyon ni Sec. Dizon ang National Highways para agad itong mapa-ayos sa lalong madaling panahon.

Dagdag pa ni Tan, siya mismo ay naka-eksperyensa kung gaano kahirap ang dumaan sa nasabing kalsada sa Samar area, kung saan malaking problema ito sa ilang commuters at mga namamasaheros na sasakyan.

Binigyan diin nito bilang isang negosyante, na nakaka-apekto ito sa pang-araw-araw na biyahe ng mga namamasaheros dahil ginagahol sila ng oras at nasisira ang kanilang mga sasakyan na posibleng madagdagan ang kanilang maintenance cost.

Mapapag-alaman, na maraming motorista, commuters at ilang residente an nagrereklamo dahil sa butas-butas na kalsada na kanilang dinadaanan araw-araw.

Kaya uma-asa silang mga negosyante, na masasa-ayos na ang kalsada sa Samar area, dahil dito dumadaan lahat ng logistics na dinadala sa Tacloban at Leyte area sa rehiyon 8.

Nagbigay naman ito ng suhestyon na sa oras na ayusin na ang kalsada sa National Maharlika Highway, ay siguraduhin na hindi ito manipis, at minadali, para hindi agad na masira, at gamitin ang nakalaang pondo sa pagbili ng mga standard materials at hindi yung mga mumurahin, dahil sa susunod na panahon lahat naman ay makikinabang.