-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Isa sa mga nakausap ng Bombo Radyo Tacloban si Zia Bohol, kung saan inirereklamo nito ang kanilang National ID na nabura ang muka

Sa tala ng Philippine Statistics Authority, noong 2024 umabot sa 91 milyon ang nakapag registered ng national Ids at ngayong taon naman ay umabot sa 92 milyon nitong Pebrero at humigit 55 milyon na ang naipamahagi noong 2024

Ngunit ayon sa PSA kinakailangan umano ng kanilang departemento ng dagdag na pundo para sa National ID backlog na 36 milyon.

Tanong naman ng ilang pilipino sa Eastern Visayas, paano magiging maganda ang kalidad ng serbisyo ng PSA kung mismong larawan ng national ID ay madali itong mabura.

Dagdag pa ni Zia, hindi umano nabasa ang kanyang national at itoy nakasilid sa wallet lamang na pareho sa ilang national id holder.

Nitong July 2025, 88 milyon kabuan na pwede ma access na Digital National IDs gamit ang eGOVPH na inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon pa kay Zia, may mga online transaction umano siya na hindi nagagawa dahil sa bura ang larawan.

Sa maikling sagot Philippine Statistics Authority Eastern Visayas, maari naman daw umano pumunta sa opisina nila upang humingi ng panibagong national ID.

Hinaing naman ng ilang Pilpino, sa tagal ng taon na ilan sa kanila ni hindi pa natatanggap ang kanilang national id hanggang ngayon taon.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority Region 8 mayroon ng 384,983 registration ang Southern Leyte, 713,714 an Samar, 428,338 ang Eastern Samar, 1,944,370 sa Leyte, 168,637 ang Biliran, at 600,260 naman ang Northern Samar nitong February 2025.

Babala naman ng PSA sa mga ilang government at private agencies maaring mag multa ng humigit P500,000 at kung itoy government official o employee ang gumawa ay dagdag ang disqualification from holding public office or employment ang sino mang hindi tanggapin ang national ID ayon sa R.A. 11055 ha “Section 19. Penal Provision.