TACLOBAN CITY– Narekober ng 14IB at 93IB Philippine Army, ang mga High powered firearms sa Brgy. Mahilum Hindang Leyte.
Ayon kay 802nd Infantry Brigade 8ID Philippine Army, Civil Military Operation Officer, Cpt. Ma. Angela Jane Gaitera, nakuha nila ang nasabing mga armas, dahil sa impormasyon na binigay nga mga former rebels na nagbalik loob na sa gobyerno.
Dagdag pa nito, natagpuan nga tropa militar ang cache ng mga armas na naglalaman ng isang M60 machine gun, isang M16 rifle, at isang M14 rifle bilang bahagi ng pinaigting na operasyon na naglalayong lansagin ang lumiliit na pwersa ng NPA sa rehiyon.
Napag-alaman din nga mga kasundaluhan, na ang kanilang nakuhang mga gamit ay pagmamay-ari ng mga natitirang Island Committee (IC) Levox ng NPA, na kumikilos sa kabundukan ng Isla ng Leyte.