TACLOBAN CITY– Naliligo nang kanyang sariling dugo ang biktima nang abutan ito ng mga otoridad sa loob ng isang hotel sa lungsod ng Tacloban.
Ang biktima ay isang 46 taong gulang, Day Care Teacher, single, at residente ng Pastrana Leyte.
Ayon kay Pmaj. Kent Rivas, Station Commander, San Jose Police Station 1, wakwak ang tiyan ng biktima nang mabutan nila ito sa loob ng CR, sa nasabing kwarto.
Pasado alas 5:40 ng hapon ng madiskubrehan ang wala nang buhay na biktima ng mga staff sa hotel, at 6:45 naman nakatangap ng repoert ang mga kapulisan.
Ayon sa imbestigasyon, pasado alas 9:00 ng umaga sa nasabing araw , sa pamamagitan ng eksklusibong kuha ng Bombo Radyo Tacloban, makikita sa CCTV footage, nag check-in ang lalaki nga naka suot ng hoody- jacket at facemask, at makalipas lang ang ilang minuto sumunod naman dito ang biktima,pero matapos ang isang oras, lumabas ang lalaki, at hindi naman inakala ng mga staff na may nangyari nang krimen sa loob ng kwarto.
Napag-alaman na 9 hours ang kinahuang oras ng mga ito na mamalagi sa nasabing hotel, nang maglampas na sa 9 hours ay pinuntahan ito ng mga staff para ipa-alala na lampas na ang mga ito sa kanilang binayarang oras, ngunit walang sumasagot sa loob ng kwarto, maka ilang beses silang kumatok, at napag desisyunan ng mga ito na buksan ang nasabing kwarto, at doon tumambad sa kanila ang wala nang buhay na biktima sa loob ng CR.
Ayon pa sa polisya, wala namang nabago na kagamitan sa loob ng kwarto na masasabing nagtalo ang dalawa bago mangyari ang krimen.
Wala ring nakuhang gamit sa loob ng kwarto na makapagtuturo na ginamit ng suspek sa pagpatay.
Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan para matukoy ang suspek at motibo ng insidente at hindi naman nila isinasantabi na may nangyaring foul play sa karumaldumal na krimen.











