TACLOBAN CITY – Patuloy na mino-monitor ng Department of Trade and Industry Region 8 (DTI-8) ang mga establisimyento upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa Suggested Retail Price (SRP) ng mga pangunahing bilihin.
Ayon sa ahensya, kapag may napansing pagtaas o pagkakaiba sa presyo, hindi agad sila nag-iisyu ng Notice of Violation.
Nagpapadala muna sila ng Letter of Inquiry upang mapakinggan ang eksplinasyon ng establisimyento.
Kapag napatunayang may paglabag, maaaring patawan ng multa mula ₱5,000 hanggang ₱5,000,000 at pagkakakulong ng 5 hanggang 10 taon.
Pinapayuhan din ng DTI -8 ang publiko na iwasan ang pagho-hoard o labis na pag-iimbak ng mga produkto upang manatiling matatag ang presyo at suplay.
Kasabay ng pagdiriwang ng World Consumer Rights Day sa Marso 15, inaanyayahan ng DTI- 8 ang publiko sa Consumer Advocacy Program sa Marso 16, alas-9 ng umaga sa Hotel Alejandro, Tacloban City, upang talakayin ang mga karapatan at responsibilidad ng mga mamimili.











