-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Ligtas na ang kalagayan ngayon ng mag-ina matapos na saklolohan ang mga ito ng mga rumespondeng Bombero sa bayan ng Ichon, Macrohon sa Probinsya ng Southern Leyte.

Ayon kay SFO2 Cecilio Cardoza ng Macrohon Fire Station, na nanganak ang ginang ng di oras sa mismo bahay nito rasun para humingi ito ng saklolo sa naturang ahensya.

Kaagad namang rumesponde ang mga personahe ng Macrohon Fire na sina FO3 Rex-Em Sastre Navarete at FO1 Dan Dexter Garces na siya naring umalalay sa pagpapanganak ng naturang buntis.

Mimso na ang dalawa ang pumutol sa umbilical chord ng sanggol.

Kaagad naman itong dinala sa Hospital sa Tacloban para sa karampatang medikasyon.

Sa ngayon ay ligtas na ang ginang at ang kanyang Lalaking sanggol.