-- Advertisements --

INTERNATIONAL NEWS – Ina-asahang madadagdagan pa ang bilang ng mga sugatan sa nangyaring 7.6 magnitude na lindol sa Hachinohe, Aomori, Japan.

Ayon kay Clarisa Saori Omega, Bombo International News Correspondent, Shimane Ken Japan, sa ngayon ang nakuha palang niyang impormasyon ay mayroong 23 na sugatan, at 1 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nagkaroon din ng mga sira ang ilang mga establisyemento at mga daan sa nasabi nga lugar.

Sa ngayon, temporaryong walang biyahe ang ilang train at buses, dahil sa mga inaayos na daan na nasira dahil sa lindol, pero patuloy nilang nararanasan ang mga aftershock.

Inabisuhan naman ang mga residente ng Aomori, na lumikas lang muna sa ligtas na lugar hanggat hindi pa maayos ang sitwasyon na iniwang nga lindol.