-- Advertisements --

TACLOBAN – Limang proyekto ang hinihingi ni Matag-ob Leyte Mayor Bernie Tacoy kay Congressman Richard Gomez, kapalit ng pagbaba nito sa pwesto.

Nagsimula ang mainit na usapin matapos ang palpak na flood control projects sa Barangay Riverside sa nasabing municipalidad.

Unang naiulat na itoy pinunduhan ng humigit 96 milyon na wala umanong koordinasyon at kunsultasyon sa local Government Unit ng Matag-ob

Ayon pa sa mga residente ng dahil sa palpak na flood control maraming pananim ang nasira at mga lugar na nalubog sa baha

Kaya, hinamon ni Bernie Tacoy si Congresman Richard Gomez na pundohan niya ang isusumiti 5 proyekto kapalit ng kanyang pagbaba sa pwesto bilang Alkalde ng Matag-ob Leyte

Una niyang tinukoy ang flood control project na dapat pundohan lahat at hindi substandard ang gamitin

Pangalawa ay ang market road kung saan hirap na hirap daw ang mga magsasaka sa kanila na dalhin ang mga produkto at pagtatanim

Sumunod ang Hospital para sa Bayan, dahil subrang malayo umano sa kanila upang magpa hospital na inaabot pa ng ilang oras bago marating ang pupuntahang hospital

High School Campus sa Eastern Barangay, dagdag na classrooms at Housing project ang huling proyekto na nais ni Tacoy

Dahil hirap umano ang mga magaaral na pumunta sa kanikanilang skwelahan na dumadaan pa sa mga bahaing lugar, at kasunod nito ang bahay para sa mga nawalan ng tahan o naapektuhan ng mga kalamidad

Ngunit, bababa lamang daw umano ang alkalde kapag naipatupad ang kanyang 5 hiling at dumaan sa tamang bidding ang lahat ng proyekto

Sa ngayon wala pang tugon si Congresman Richard Gomez sa hinihiling ng Alkalde.(via: BOMBO JAKE PAGUIPO)