TACLOBAN CITY – Muling Umapela ang ilang opisyal ng siyudad ng Tacloban na matulungan sila na maidentipika ang libo-libong mga namatay sa pagtama ng pinakamalakas na delubyo sa kasaysayan.
Ayon kay Tacloban Vice Mayor Sambo Yaokasin, na magpipitong taon na lamang mula ng pagtama ng Bagyong Yolanda ang nasa 3,000 pang mga labi ang wala pa ring pagkakakilanlan.
Ayon kay Yaokasin na tapos nang nakunan ng mga samples ang mga labi at mga pamilya pero hindi pa ito na ccross match dahil sa wala pa umanong sapat na pondo ang Natioal Bureau of Investigation (NBI)
Mapapag-alaman na aabot sa 20 libong piso ang gagastuhin sa pag cross match sa mga DNA samples.
Panawagan pa nito na sana ay matulungan sila na makilala ang ilang mga namatay nang sa ngayon ay magkaroon na ng emotional closure para sa pamilya ng mga namatay
Matatandaan na nasa anim na libo ang naiulat na namatay sa pagtama ng Bagyong Yolanda.