Nagbigay babala ang MI5 sa mga residente ng UK kaugnay sa banta ng pag-atake mula Russia, China, at Iran. Alamin ang mga posibleng panganib at tugon ng gobyerno.
-- Advertisements --

LIVERPOOL, ENGLAND – Nagbigay babala ang security agency ng United Kingdom na MI5 sa mga residente nito kaugnay sa bantang pag-atake ng mga bansang Russia, China, at Iran sa kanilang bansa.

Ayon kay Liverpool, England Bombo International News Correspondent Vince Picondo, noong nakaraang araw ay nagsagawa ng press briefing ang MI5 kung saan kinumpirma ng naturang security agency na mayroong mga banta sa seguridad ang United Kingdom mula sa iba’t ibang bansa dahil sa pag-suporta nito sa bansang Ukraine at iba pang sigalot na kinakarahap nito.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng MI5 ang publiko sa mga posibleng mangyari subalit siniguro rin ng ahensya na kumikilos ang kanilang gobyerno upang labanan ang naturang mga banta sa seguridad.

Ayon pa kay Picondo, bilang matagal ng residente sa United Kingdom, hindi imposibleng mangyari ang mga banta ng ibang bansa, at ang isa sa pinaka-posible rito ay hindi ang pisikal na pag-atake kundi ang pagpapataw ng mga sanctions ng mga naturang bansa.

Maliban pa rito ay pinangangambahan rin ang posibleng paglaganap ng AI, cyber attacks, bio-weapon, at mga espiya mula sa Russia na kung saan ayon kay Picondo ay may ilang naaaresto na dahil gumagamit ang ito ng mga “gang group” mula sa UK.

Dagdag pa nito, may ilang trend threats din sa mga Jewish community sa UK na kung saan isa ito sa mga target na atakehin ng Iran.

Sa kabila nito, bilang residente ay nararamdaman naman daw nilang handa ang United Kingdom sa mga posibleng mangyari dahil sa ngayon pa lang ay madalas na silang makatanggap ng mga mensahe mula sa gobyerno kaugnay sa mga simpleng bagay na pwede nilang ihanda at naisapubliko na rin nito ang mga ginagawang paghahanda ng gobyerno.