-- Advertisements --

MASLOG EASTERN SAMAR–Umabot na sa 238 na pamilya, o katumbas ng 944 na indibidwal ang bilang nang mga inilikas sa Maslog Eastern Samar dahil sa pag-ulan dulot ng Shear Line mula noong Lunes, ika-9 ng Pebrero.

Umabot na ng tatlong put-walong households ang lumikas sa Brgy. Libertad kung saan mataas parin ang tubig baha.

Ayon kay Karen Santiago, OIC ng MDRRMO Maslog Eastern Samar nakaranas nang malawakang pagbaha ang 4 na barangay kabilang dito ang porsyon ng Poblacion 1,  Brgy. Tangbo, at Barangay Libertad na tinukoy na mga low-lying areas, na sa ngayon ay humupa na ang tubig baha sa Poblacion.

Dagdag pa ni Santiago na konektado kasi ang Maslog sa Dolores River, Mt. Huraw, at tributary rivers ng San Jose de Buan,
kaya naman, kapag umuulan roon ay, binabaha nga ang nasabing bayan.

Nakaranas din ng pagkawala ng kuryente kahapon ang kanilang bayan pero sa ngayon, ay nananatiling 3 mula sa 12 na barangays ang nakakaranas na lamang nito.

Kung matatandaan, isolated ang Maslog mula pa nung Lunes dahil hindi nadadaanan ang ilang kalsada kagaya na lamang ng Maslog-Carolina-Dolores Road na nakakonekta sa National Highway.

Sa ngayon, nakapag bigay na ng relief goods ang kanilang Local Government Unit, kabilang dito ang canned goods, rice, at noodles.

Sinigurado pa ni Santiago na patuloy nilang binabantayan ang Brgy. Libertad, at ngayon ay ligtas naman ang mga tao roon.