TACLOBAN CITY – Malaking bilang ng kabataan sa Eastern Visayas ang hindi ngayon nakapag-aral dahil sa kahirapan.
Sa pagsisimula ng pasukan maraming kabataan ang sabik na pumasok, ngunit sa kabila ng sabik na pag pasok ng mga studyante, siya namang kabaliktaran sa ilang kabaatan, na sana ang 8 oras na dapat silay natuto na kahit anino nila ay wala sa upuan na masisilbi sanang upuan ng karunungan.
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development o DSWD umabot sa 37,000 kabuaong bilang ng mga kabataan sa Eastern Visayas region ang wala sa paaralan.
Leyte ang may mataas bilang ng mga kabataan na hindi nag aaral na may 10,421, 7,536 sa northern samar, 3,914 Eastern Samar, at 1,720 sa Southern Leyte, kung saan ang mga ito ay napapabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps.
Malaking bilang nito ay ang maagang pagiging magulang o early teenage pregnancy, kabilang din umano sa mga kasong nito ang mga kabataan napapabilang sa poorest of the poor kung saan walang kakayahan ang magulang na makapagbigay ng sapat na suporta sa mga anak at pagtratrabaho ng maaga o child labor.
Ayon sa DSWD ginagawa naman daw nila ng paraan upang masulosyonan itong bilang ng mga studyante na hindi nakakapag aral, katulad ng scholarship program at 4ps program na naghahatid ng tulong sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Sa ginawang data assessment ng dswd at sa pakikipag tulungan sa DepEd, 6-18 (anim hanggang labing walo na taong gulang ang wala sa paaralan ang napapabilang sa 37 thousand na kabataan na wala sa skwelahan.
Sa sector ng edukasyon isa daw ito sa malaking hamon para sa kanila, hindi man nila kontralado ang pagtaas o pag baba ng bilang, mauli parin silang humihinhi ng tulong sa mga magulang na huwag ipagkait ang edukasyon na para sa kinabukasan ng kanilang anak at gamitin sa tama ang natatanggap na tulong mula sa gobyerno.
Ayon sa mga Pilipino, nararapat nalang na gumawa ng epektibong hakbang ang mga nauupo sa gobyerno upang maiangat ang mataas na kalidad na edukasyon sa bawat kabataang Pilipino.