-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nagdulot ng landslide ang malawakang pag-ulan sa Brgy. San Ricardo Southern Leyte.

Nitong Hulyo 13, 2025 habang nakararanas ng malalakas na pag ulan ilang bahagi ng Southern Leyte dulot ng Southwest Monsoon,

Isang malaking panibagong landslide nanaman ang nangyari sa Brgy San Ricardo Southern Leyte pasado 1 ng madaling araw kung saan dumaudos ito papunta sa mga residente na mahimbing na natutulog at umabot ito sa isang bridge na dinadaan ng dalawang barangay

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Tacloban at sa pakikipag panayam kay Mayor Doctora Fem Domingo, ng San Ricardo, nasa 14 na individual ang naapektuhan ng landslide kasama ang dalawang bahay nabaon sa lupa at Isang kompiramadong lalaki nawawala hanggang ngayon

Kinilala ang nawawalang biktima na si Dador Moscosa, 54 anyos na nakatira sa Samar at isang foreman.

Ayon imbestigasyon ng rescue team, may isang construction site na nakatayo malapit sa nasabing bundok kung saan kasama sa natabunan ang ilang heavy equipment

Patuloy ang search and rescue operation ng Office of the Civil Defense at ilang rescue team katulad ng PNP, BFP, PCG at ilang Brgy officials upang mahanap ang nasabing foreman at maalis ang mga nakaharang na bato sa daan

Samantala, nagbigay naman daw agad ng agarang tulong gaya ng food packs sa mga naapektuhan na pamilya na sa ngayon ay nakikisilong sa kanikanilang kamag-anak.

Dagdag pa ni Mayor Domingo na mas papalakasin pa nila ang pagbabahagi ng disaster preparedness at prone sites sa lahat ng brgy upang maiwasan ang ganitong pangyayari.