-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Sa inilunsad na Yakap Program ng Philippine Health Insurance Corporation,(PhilHealth), maraming Pilipino sa Eastern Visayas ang nakapag-parehistro na.

Sa probinsya ng Eastern Visayas, maraming PhilHealth members ang nag rehistro sa YAKAP Program na inilunsad ng PhilHealth.

Ito’y ayon sa mandato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na palakasin ang serbisyong medical para sa mga Pilipino.

Ang Yaman ng Kalusugan Program ay sakop umano ang 70 essential na gamot, kung saan kasama dito ang mga treatment para sa asthma, diabetes, high blood pressure, heart disease at iba pa.

Ayon sa PhilHealth hanngang 20 thousands ang kabung pweding magamit bawat indibidwal na miyembro ng Philihealth o YAKAP program.

Ang tanging gagawin umano ay ipa rehistro ang PhilHealth Member’s sa Yakap program gamit ang eGov.ph na inilunsad ng Pamahalaan at pagkatapos ay pumili ng mga accredited PhilHealth Partners.

Sa Eastern Visayas may humigit 217 na pasilidad pangkalusugan ang accredited ng PhiliHealth sa YAKAP program,

10 sa Probinsya ng Biliran, 36 sa Samar, 34 sa Eastern Samar, 80 sa Leyte, 25 sa Southern Leyte at 32 naman sa Probinsya ng Northern Samar

Sa pag-iikot ng Bombo Radyo Tacloban sa ilang accredited na Hospital sa Eastern Visayas may ilang Doctor ang hindi pa alam ang nasabing programa kung kaya’t hindi nila masagot ang ilang miyembro ng YAKAP program,

Kaya pinulong ng PhilHealth Regional Office 8 ang mga hospitals at clinics na kasapi ng programa kung ano ang magiging gampanin nila at ipinaalala din sa kanila na bawal na bawal tanggihan ang isang PhilHealth Members na nais gamitin ang programa.(via Bombo Jake Paguipo)